Portal Interruptions

Portal Interruptions?

Bakit portal interruptions eto ang title na binigay ng aking kaibigang si Grace nung kinukwento ko sa kanya ang aking mga panaginip. Madalas ako mag kuwento sa kanya ng mga panaginip o dreams ko kasi mahilig kami mag analyze ng mga ibig sabihin nito. Kahit minsan naman wala naman talaga ibig sabihin.

Sabi nila ang panaginip daw ay minsan nag ka-ka-totoo o kaya naman eto ay ang iniisip mo subconsciously o kaya warnings or predictions para sa hinaharap o future.

Mula ng magbakasyon, may mga panagnip akong paulit-ulit, kung hindi naman paulit-ulit ung panaginip ko.. iisang tao lang yung nasa panaginip. kaya sinong hindi mag tataka, kahit ako nag tataka na rin eh. Minsan nakakasira ng ulo kakaisip kung anong ibig sabihin, kaya kailangan ikuwento, baka mamaya kasi wala naman talaga meaning.

Tulad nung unang unang panaginip ko nung nag simula ang bakasyon:

Day 1:

Sabado, ng mag umpisa ang aking panaginip. Sa akin panaginip nasa may mga kainan ako sa school namen sa Q.C. may kasama ako, itago nalang natin siya sa pangalaan Zander. Habang kami ay kumakain nagku-kuwentuhan lang kami ng kung ano ano (anything under the sun).

Pagkatatpos  ng pabalik na kami sa school, naka salubong namen ang Dean , at ng tanungin kami ” o mag kasama kayo”, siya sinagot namen “hindi po, nag kita lang kami sa karinderia, nagka sabay lang po”. Bigla kaming nasa parking lot sa loob ng school kahit hindi pa naman kami pumapasok sa gate, basta bigla nalang kaming nasa parking lot. Nung nasa parking Lot na kami nakita namen ang  mga katrabaho ni Zander, may parang van o L300 dun sa parking lot. Sumakay si Zander sa saskayan nakapark na iyon sa harap sa may driver’s seat kasama ang mga katrabaho niya habang ako’y  nag aantay sa gilid. Pagkatapos ng mga ilang minuto nag decision ako na umalis na at bumalik na sa itaas para hanapin ang mga friends ko. Noong papaalis na ako, biglang bumisina at nag signal si Zander na antayin ko daw siya…………………… Nagising na ako , dahil may bumubusina talaga sa may kalye namen, mga nanga-ngampanyang mga kandidato… 

Kaya nung pag gising ko tinignan ko kung ano ang ibig sabihin o explanation ng aking panaginip. Sabi sa isang libro ng dream meaning,

ung taong nakikita ko daw si Zander ay manifestations nang pangarap ko kung paano maging katulad niya sa aming propesyon. Sabi naman sa isang meaning depende daw yun sa relasyon namen, o kaya may mga regrets daw ako mga bagay na hindi ko nagawa nung magkasama kami sa totoong buhay.

Day 2:

Naglalakad lakad daw kami sa esikinita malapit sa school namen sa Q.C. , sa mga may kainan, nag uusap daw kami ni Zander, minsan nag de-debate tapos bigla na lang daw kami na punta sa isang lugar sa Marikina sa mga may kainan, hindi ko na namalayan kung ano pa pinag uusapan o pinag tatalunan namen, dahil may ibon na biglang lumipad sa harap namen,  at ibang parte sa panagnip ko hindi ko na maa-alala dahil biglla nalang akong nagising nung narinig ang ibon sa may bintana ko.

Day 3, Day 4:

Umulit ang panagnip ko  nung Day 1 wala namang nag bago sa sequence nung panagnip ko nung Day 1, walang nadag-dag o na bawas, o naiba. Ang naiba  lag ang mga iba’t ibang klaseng mga sound ang nang-gising sa akin, tulad noong day 3, ung tambucho ng tricycle ang nang-gising. Noong Day 4 naman ang nagising sa akin ay ang may bumagsak na pintuaan.

Day 5, Day 6: Hindi ko maalala ang panaginip ko pero alam kung si Zander pa din ang napapanginipan ko.

Day 7: umulit ung panaginip ko nung Day 2.

Sabi ko nga sa mga kaibigan ko kahit horror movies, or horror stories na pinapanood ko si Zander pa rin ang nasa panaginip ko hindi ko nga alam kung bakit.

Day 7:  Nasa may school daw kami ulit ni Zander sa mga may kainan , kuwentuhan, usual na debate nameng dalawa, tapos bigla kami na punta sa marikina sa mga kainan.  Kaso bigla akong nagising dahil sa ring ng cellphone ko , at kinailangan ko na bumangon para mag simba.

Ang nakakatawa dito sa panaginip na ito, nung pag uwi ko, nung nakatulog ako ulit, nag continue ung dream, nasa marikina kami sa mga kainan, may pinag uusapan malalim kaya lang hindi ko matandaan kung ano ito. kaya lang bigla akong nagising ng 9:30 ng umaga dahil kuma-kalam na ung tiyan ko sa gutom. hahaha

Day 8:

As usual ang setting ng panaginip ko sa may school sa q.c. sa may kainan tapos bigla nalang napupunta sa marikina. kaso ngayon naman kasama ko ang ex-boyfriend ko na itago nalang natin sa pangalang “B” , at si Zander. Nung una mag kausap daw kami ni B, nagkukuwentuhan, tapos magkausap kami ni Zander, tapos pag kalipas ng ilang minuto si B at si Zander na ang magkausap.
Biglang nawala si B. Tapos kami naman ni Zander biglang napadpad sa chapel sa loob ng school, bigla akong nagulat nung tumunog ang kampana sa loob ng chapel…………..at bigla akong nagising yun pala hindi kampana yun, at landline pala namen na nag riring……..

Nung pag-gising ko inalala ko mga buildings sa loob ng school, namen, wala naman kami chapel dun, akala ko nga ung isang event hall lang tapos may nag misa lang duon, pero muka talagang chapel yung nasa panaginip ko.

Etong mga panaginip ko parang mga cartoons o animations na bigla bigla nalang nag tatapos ng hindi mo naiintindihan.

To Be continued…………. (hindi ko alam kung mapapanaginipan ko ulit ito mga ito, at si Zander…hindi ko nga alam kung bakit ko siya napapanginipan, eh hindi ko naman siya iniisip. )

Baka tama nga sila sarili ko ang nakikita ko, manifestations kung paano at kung sino at kung anong gusto ko mangyari sa sarili ko sa future. pero siya lang ung image na nag rerepresent kung ano ung gusto ko maging.  Oh baka nga may mga hindi ako nagawa nung magkasama kami na gusto ko gawin… malay natin kung yun nga yun, at baka sa future magagawa ko din yung mga bagay na yun kung ano man yun.

Written by : Anj Atutubo  © October 30, 2013

Title Credits: Grace Sanguyo

Day 9:

After one week tska ko lang maisusulat ulit yung mga panaganip ko tunkol kay Zander. Marami na ako napanaginipan tunkol sa aming dalawa kahit lumipat na ako ng kuwarto o ng mga lugar na tutulugan, kaya lang yung iba hindi ko na matandaan pag ka gising ko.

Pero kanina nung pag kagaling namen sa columbarium sa St. Therese Church, Pasay, nung pauwi na kami nakatulog ako sa saskayan,… ayun nag umpisa na ulit ang panaginip ko tungkol kay Zander.
Nag umpisa siya dun sa huling panaginip ko sa chapel sa loob ng school tapos lumabas kami kumain, tapos sumakay daw kami ng isang kotse hindi ko na alam kung ano  yung kotse na yun, si Zander ung nasa driver’s seat. may pinag tatalanun daw kami tunkol sa kung ano ano hanggang sa napunta yung usapan pagtatalo namen sa “sex” hahaha pero natural lang yun adults naman na kami, tapos nasa isang mahabang mahabang kalye daw kami parnag hindi natatapos yung kalye. Pinagtatalunan na namen ang relationship at pagging single, tapos bigla ako nagising kasi biglang prumeno yung totoong saskayan namen. hahaha

Advertisements

2 thoughts on “Portal Interruptions

Drop a message!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s