Huwebes

Isang Huwebes ika’y snamahang umuwi
kahit ako’y may klase pa,
ayos lang yun wala pa namang prof.
basta makasama ka kahit sa “pag-uwi” lang,
nang nasa jeep tayo kayo tahimik,
parang may dumaan na anghel,
ngunit ang ating pag-uusap ay
isang tanong, isang sagot.

Tinanong mo ako kung ano gagawin ko,
sabi ko’y may bbilhin sa national,
doon nagsimula ang medyo mahabang usapan natin,
sabi mo ika’y titingin ng dvd,
pagdating sa mall sabi mo’y bibili ka ng pagkain.

Ngunit noong sinabi kong sasamahan kita,
nag bago iyong isip,
bigla mong sinabi uuwi ka na,
naghiwalay tayo ng landas
noong ako’y naglalakad habang may kausap sa telepono
ika’y aking nakita galing sa McDo may dalang pagkain
‘Di ka pa pala umuwi.

Noong una ako’y nainis
pero napagtanto ko na ako’y walang karapatan,
ako’y nanghihinayang sa nakalipas na pagkakataon
para sabihin ang aking nadarama.

Kaso ako’y takot
kaya hanggang dito na lang
ipinapakita sa’yo ang aking pagmamahal
sa pamamagitan ng mga kilos
sana naman nadraama mo din
na tunay ang aking pagmamahal

Written by Anj Atutubo  01/31/2008

Advertisements

Drop a message!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s