‘Di ka naman kaguapuhan,
pero hindi ko alam,
kung bakit ikaw,
Nahulog ang loob ko sa’yo.
Pag andyan ka ‘di
ako makakilos ng normal,
pero pag ika’y nawala sa’king paningin,
Hinahanaphanap kita para masulyapan.
Isa kang pader, manhid ka!
‘Di mo ba alam pag ika’y
nakatambay sa canteen,
ako’y nasa likoran mo lang nagmamasid,
dahil alam ko hanggang dito lang ang pagmamahal na’to,
Minamahal kita sa malayo.
Writtenby Anj Atutubo 02/07/2007